Paalam

by wildfiona   Aug 5, 2008


Kung sakali mang dumating ang panahon
na ako'y di mo na ibigin
at bawat kislap ng 'yong mata'y
di na akin.

sa paglipas ng araw . . .
at iba na ang kapiling,
hayaan mong aking alalahanin
ang naglahong pagtingin.

ngunit paano . . .
pawiin ang bawat sakit
limutin ang sugat
na ang kirot ay di maalis?

paano . . .
pigilin ang bawat patak ng luha
at buuin ang pangarap
na minsa'y hiniling nating matupad?

bakit paalam?
ako ba'y di mo na mahal?
sana ako'y iyong pakinggan . . .
ako sa iyo'y maghihintay . . .
kahit pa abutin ng isang kailanman.

120903

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By wildfiona