Tunay Na Kaibigan (True Friend)

by Prince Mark   Apr 23, 2009


TUNAY NA KAIBIGAN: ANG IYONG MAKAKASAMA

Sa iyong paglalakbay
Sa paghahanap ng mga kasagutan
Sa mga tanong ng buhay
Siya ay iyong matatagpuan

Makakasama mo siya sa paglipad
Sabay-sabay aabutin ang hinahangad
Kayo ay magtutulungan
Sa paghahanap ng mga kasagutan

Ngunit ang bawat paglipad ay may katapusan
Lahat ay mayroong hangganan
Masakit man tanggapin ang katotohanan
Darating ang araw na ang isa'y lilisan

Talagang tunay ang mararamdamang kasiyahan
Kapag tunay na kaibigan ay iyong matatagpuan
Mga alaala na nananatili sa puso
Kailan pa ma'y di na maglalaho

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments