Dakila

by wildfiona   Aug 8, 2009


Pag-ibig na kaytagal hinadlangan
pag-ibig na nais makamtan
tinanggihan, ikinulong, itinapon
ngayon nga ây nakamit na sa aking paglaya
tayo ri'y nagkasama na matapos ang dusa
salamat at kapiling na kita
ikaw ri'y nakatabi na sa tahimik na kanlungan
kita'y kapiling na dito sa kalangitan
dakilang pag-ibig mo, dakilang pag-ibig ko
ngayo'y atin nang pagsaluhan.
salamat sa hirap, salamat sa dusa
dahil ngayo'y nakamit na...
ang langit sa piling mo.

halika, halika na...
atin nang lisanin ang mundong ito
at pagsaluhan natin...
ang isang paraiso!

(dedicated to Ninoy & Cory Aquino)

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 14 years ago

    by junet

    Edit mo ung mga words na me apostrophe para maganda tingnan

More Poems By wildfiona