Hidden love..(tagalog)

by XxxxSoManyStitchesxxxX   Nov 25, 2007


Hindi ko talaga malaman
Itong aking nararamdaman
Heto't nakatitig sa halaman
Naghihintay na humupa ang ulan

Sa aking pag-idlip
Ikaw ang panaginip
Sa aking pagka-inip
Ikaw ang nasa isip

Naaalala ko pa
Nung ginawan mo ako ng kanta
At sa inalay mong tula
Na sadyang kay ganda at makata

Sa lahat ng bulaklak at rosas mo
Lahat ng ito ay nasa aking puso
sa tanang aking buhay, isa ang nais ko
ang mahalin ka, kahit ng patago...

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments