Lyannah forever_17

by lyannah   Dec 8, 2012


Aking pinag-iisipan,

Kung paano ko sisimulan,

Itong tulang ilalaan,

Sa taong mamahalin ko magpakaylan pa man. . .

Puso man ay nasugatan,

Damdamin man ay nasaktan,

Natuto namang lumaban,

Simula ng ang puso ko sayo'y inilaan. . .

Siyam na buwan ng pag-iibigan,

Dalawang daan walumput pitong araw ng paglalambingan,

Bakit ganito ang aking nararamdaman?

Hindi ko kaya kahit sa isang minuto mong paglisan?

Adik man sa paningin ng iba,

Baliw man sa pakiramdam nila,

Basta ang alam ko mahal kita,

At sayo lamang ako liligaya. . .

Masaya ako sa araw-araw nating pagsasama,

Kahit sa text o tawag lang kahit di nakikita,

Isang text mo lang ako'y napapangiti,

Isang tawag mo naglalagay ng saya sa puso't labi. . .

LAGI MO SANANG TANDAAN AT ISABUHAY,

'WAG KALIMUTAN HANGGANG SA PAGKAMATAY,

PUSO'T BUHAY KO KAYANG IBIGAY,

WAG KA LANG MAWAWALA PINAKAMAMAHAL KONG

KALAY! !

:)

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments