Para Sayo

by juvylet   Mar 3, 2008


Nagmumuni-muni, nag-iisip
Di alam kung saan sisilip
Kung ako ba�y maiidlip
At ng ikaw ay mapanaginip
Alaala ng kahapon naganap
Habang ikaw ay kayakap
Pilit na nilalasap
Dulot ng pag-ibig kay sarap
Kailan magigising sa kabaliwan
Na ikaw ay di maiiwan
Sa akin magpakailanman
Dahil sa iyong puso iba ang nilalaman
Tila ika�y akin sinasamba
Tuwing anino mo�y nakikita
Ngiti ng puso�y d maikakaila
Sapagkat ikaw ang nais makasama
Sa gabing nababalot ng lungkot
Haplos mo�y sapat ng gamot
Nang ako�y di na malulumbay
Dahil ikaw ang kaakbay
Sa akin huwag kang lumisan
Kahit anong iyong nanaisin
Ito�y akin pilit tuparin
Kahit langit ay aabutin
Para lamang ikaw ay makapiling
Ngunit pag kalayaan iyong hiling
Ibibigay ng walang pag-aalinlangan
Sapagkat ito�y iyong kaligayahan
Na hindi pwedeng hadlangan
Dahil makita kang nakangiti
Akin puso�y nagpupunyagi
Kahit may pait na nalalagi
Ito�y kaya kong itanggi
Dahil ikaw sinta ang aking itinatangi

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By juvylet