Nung nakilala ka,mundo koy sumigla
Di makatulog sa twina pagkat iniisip ka
Pero bakit kung tayo'y nagkaibigan na
Saka nawala ang tuwang nadarama
Hindi ko na naramdaman ang saya kapag kasama ka
Kaya ako sinta'y magpapaalam na
Di ko sinasadyang saktan ka ng ganito
Nag-iiba lang talaga ng landas itong puso ko
Kaya sa ating muling pagkikita
Sana ay mapatawad sa salang ginawa
Isipin nalang natin na yon ay kahapong pag-ibig
Na mag-iiba pagdating ng bukas...
Paalam mahal ko
Suko na ako sayo.