MAHAL NA KITA (Filipino Poem)

by Jhenz   Aug 4, 2008


Gusto kong sabihing "Mahal Kita"
Ngunit paano ko sasabihin kung meron na akong ibang kasama
Mahal ko sya pero mas mahal na kita
Problema ng puso, di ko masabi sa iba.

Masaya ako 'pag kasama kita
Malungkot ako 'pag di ka nakikita
Nanghihinayang dahil ngayon lang kita nakilala
Sana noon pa, para tayo ngayon ang magkasama.

Dikta ng puso ay mahirap sambitin
Dikta ng isip ay mahirap gawin
Masarap maramdaman na nagmamahal ka
Mahirap isipin kung dalawa sila.

Paano na 'pag wala ka?
Paano na ako 'pag umibig ka sa iba?
Ayokong isipin na may mahal ka ng iba
Marahil asul ang paligid 'pag wala ka.

Minsan naisip ko na sayo'y lumayo na lamang
Dahil batid ko ang sakit na minsa'y iyong nadarama
Paano ako lalayo kung mahal na rin kita?
Hindi na rin kaya ng puso na sayo'y umiwas pa.

Sadya nga bang ang damdamin ay mahirap ikaila?
Kung ang nararamdaman ay totoo at dakila
Hiling sa Panginoon na maging matatag ka
At wala ka nang mahalin pang iba.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By Jhenz