Daloy ng pag-ibig

by wildfiona   Aug 5, 2008


Daloy ng pag-ibig . . .
ay waring isang tubig.

sa palad mo ay ipunin
hayaang tumagas din
ipatak sa mga tuyong damdamin
ihugas sa mga mata rin.

idilig sa halamang uhaw
ipatak sa lupang tigang
at subukan mo rin . . .
sa iyong pusong uhaw.

daloy ng pag-ibig . . .
sa palad mo ay ipunin
upang ika'y manatili
na sariwa rin.

ngunit huwag mong gawing . . .
subukang sarilinin
pagsara ng palad
tubig ay ubos din.

kaya't panatilihin
na ang palad ay bukas
upang pag-ibig ng diyos
ay hindi magwakas.

121993

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By wildfiona