Bakit Nga Ba Mahal KitaL? (Why do I Love You?)

by Prince Mark   Apr 23, 2009


BAKIT NGA BA KITA MAHAL?

Sa bawat sakit na pinadadama mo sa akin
Ang kakaibang nararamdaman ng puso, di kayang baguhin
Kahit patuloy kang lumayo at umiwas sa akin
Hinding hindi pa rin makakalimutan ang pinagsamahan natin

Alam ko na di mo talaga ako iibigin
Gayunpaman di ko yun tinatawag na isang suliranin
Sa ngayon isa lamang ang natatangi kong panalangin
Hayaan mo lang ako na ikaw ay mahalin

Madalas kong tanong sa sarili, "Bakit kita mahal?"
"Anong meron sa iyo?", Tanong ko sa Maykapal
Sa tanong na yan, kayang sabihin ng bibig
"Tanggap kita kung ano ka, ika'y iniibig."

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments