Pusong Nangungulila (Lonely Heart)

by Prince Mark   Apr 23, 2009


PUSONG NANGUNGULILA

Ang bigay mong inspirasyon at ligaya,
Ang iyong ngiti't nakakapagod-pawing tawa,
Pati na ang di malimutang ganda,
Kailan pa kaya muling magbibigay sigla?

Tila isang imaheng kumakatok sa puso
Tuwing naaalala, ligaya sa mukha mo
Kaba't pag-aalala ang laging hatid
Kaligayahan, iyo pa rin bang batid?

Sa mga panahong di tayo nagkikita
Siguro ako ay sadya lamang nangungulila
Sa mga alaalang iniwan ng isa't isa
Na nananatili sa aking pusong nag-iisa.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments