I will always love you

by angel   Mar 16, 2012


Meron akong isang kwento
nagmula sa aking puso
ito ay aking nabuo
dahil sa aking pangako

sa taong minamahal ko
pangakong di magbabago
at hindi rin maglalaho
pagmamahal para sayo

aking hindi lilimutin
mga ala-ala natin
akin itong iipunin
hanggang sa pagtanda ntin

lahat ng iyong gustuhin
ay pipilitin ngang gawin
at ika'y mamahalin din
wag lang mawalay sa akin

kahit magkalayo tayo
ngunit dito sa'king puso
nagiisang pangalan mo
nakaukit lamang dito

at sa ating pagtatagpo
ipaparamdam ko sayo
na sa puso't isipan ko
ay ikaw lamang at ako

paalam na sayo babe ko
dahil lilisan muna ko
pero sa pagbabalik ko
ang punta ko'y sa puso mo

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 12 years ago

    by Niel Sam4na

    Nice poem, :)
    May sabit nga lng
    Sa pang limang stanza,
    Pero ok naman... Keep writing.