Adik na Pag-ibig

by Reach Iward   Jul 15, 2013


Oh! Pag-ibig, anong kapalaran ng bukas,
Ang maghahatid sa ating wakas.
Ating mga labi't mata ,
Tila'y naglalakad sa bawat mga salita.
Ganito nga ba ang adik na pag-ibig?

Pero bakit nga ba sa pagsulyap ng riyalidad,
Ikot ng ating mundo'y tila bumaliktad.
Mga salitang pilit gustong kumawala sa bibig,
Ay nanahimik na lamang sa gitna ng ingay ng kuliglig.
Ganito nga ba ang adik na pag-ibig?

Ngunit sa kabila ng lahat ng aking inip,
Pilit ika'y napagtatanto ng aking isip.
Sa umpisa ng una nating pagkikita,
Ay naging hudyat sa pagkilala sa aking diwata.
Ganito ba talaga ang adik na pag-ibig?

Oh! Aking diwata! Saang paraiso ka ba nagdako,
At napaibig mo ang isang mortal na tulad ko.
Ako'y nabighani mo sa iyong kagandahan,
At sa likas mong magbigay sigla sa iyong kabutihan.
Ganito ba talaga ang adik na pag-ibig?

______ sa palagay q nga ay oo,
Dahil sa bawat lipas ng panahon, ako'y na-aadik sayo.
At sa kabila ng lahat ng tula kong ito,
Kahit papaano ay naipadama ko ang pagmamahal ko sa iyo
Sa pamamagitan ng aking adik na pag-ibig..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 10 years ago

    by dindee

    Oooohhh.....yan gumawa ang pinoy ng tula!!! Rhymes all the time...

    THAT'S HOW FILIPINOS WRITE A POEM!!!

    hehehe...good job!

More Poems By Reach Iward