RADIO

by KMQ   Dec 10, 2005


RADIO

Nag tune-in ako sa station ng puso mo,
pero binaliwala mo ang request ko.
Araw-araw akong nakikinig sa radyo,
mapa-AM man o FM, kaw pa rin ang hanap ko.

Iba\'t ibang station ang iyong pinagsabay,
ngunit dumating ang araw na ika\'y sumablay.
Mag minus-one ka, kahit \'di ka sanay
dahil mahirap nang i-rewind ang mga bagay-bagay.

Ang aking CD na iyong ginasgasan
ay nagpi-play pa rin sa kasalukuyan.
Mahirap man,pero i-stop ko na dahil kailangan,
io-off ko na ang aking radyo upang \'di na masaktan.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments