Ikaw Ang Pangarap

by Allen   Apr 11, 2006


Ang akala ay hindi ko na masisilayan
Ang akala ay hindi ko na makakamtan
Ngunit ang akala ko’y mali pala
Sapagkat dumating ang panahon na ikaw ay nakita

Nang dumating nga ang araw
Na muli kitang namataan
Ang mayumi mong mga galaw
Ay hindi ko na kinalimutan

Ako’y biglaang lumapit
Nang hindi alam ang dahilan
Para bang may pumipilit
Na hindi ko mapigilan

Sa unang bukas pa lang ng nakatikom kong bibig
Aking tinanong agad ang natatangi mong pangalan
Teka parang nangangailangan ng isang basong tubig
Dahil aking lalamuna’y parang natutuyuan

Matapos ang paghihintay ng mahabang panahon
Parang bang hindi alam ang susunod na gagawin
Aaksayahin na lamang ba ang hinintay na pagkakataon
O di kaya’y ipagpapatuloy ang magandang simulain

Lumipas nga ang mga araw
At mga gabi ay nagpaalam
Tayo ay magkasama sa kasiyahang umaapaw
Lubos na kasiyahang kapwa nating inaasam

Hindi inaasahan itong pagdating ng sandali
Na binigay ang kasagutan sa matagal ko nang katanungan
Noong una pa nga ako’y ‘di na mapakali
Ngunit iyong oo’y bigla mo nang pinakawalan

Napatalon na lamang sa lubos na katuwaan
Mga luha’y namuo at biglang nagpatakan
Matapos ay tayo’y mahigpit na nagyakapan
Nangako ang isa’t isa ay hindi natin iiwan

Ngayon ay akin na ngang nasilayan
Ang liwanag sa dati ay puno ng kadiliman
Ngayon ay akin na ngang nakamtan
Ang dati’y pawang pangarap ko lamang

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

More Poems By Allen