WALANG HANGGANG PAG-IBIG

by Janice May   Jul 22, 2006


Ikaw at ako ay sadyang pinagtagpo,
Nitong tadhanang lubhang mapagbiro,
Lubos na malalim at hindi matanto,
Pag-ibig nga ba baka lang nalilito.

Tulad ng araw ating pagmamahalan,
Hindi matarok kahit na ninuman,
Maging mga anghel ng kadiliman,
Di magagapi ating pagtitinginan.

Ang pag-ibig nga\'y tunay na mapangahas,
Nakaw bawat saglit nitong ating oras,
Ang sumpaan nati'y hindi magwawakas,
Kahit mundo ma\'y mawala't kumupas.

O, pag-ibig huwag mo akong pasakitan!
Ingatan yaring puso na h'wag masugatan!
Pagkat ito lang kayamanan kong tangan,
At langit ko na walang hanggan.

Bawat pagtakbo ng ginintuang oras,
Sa bawat pag-usad ay may lumilipas,
Parang musika na nawalan ng kumpas,
Ngunit pag-ibig nati'y mananatiling wagas.

At sa paglipas ng tumatakbong panahon,
Mga alaala nati'y ating ibabaon,
At mangangakong masusumpungan din don,
Kapit kamay nating babalikan iyon.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 18 years ago

    by Anne Garcia

    Wow naman! Ang galing mo, tinagalogin mo pa rin! Wow! Ang galing! Talaga!

More Poems By Janice May