Haaay... pag-ibig(a filipino poem)

by red vixen   Mar 11, 2004


Ilang ulit na ring nabigo,
Ilang ulit na ring puso ko\'y magdugom
Ilang beses na ring nagtiwala at nagmahal,
Ngunit pag-ibig sadya yatang di nagtatagal

Sa iyong pagdating ay muling sumaya,
Puso kong sugatan ay nagkaroon ng sigla,
Ang tanging dinarasal ko sa tuwi-tuwina,
Sa wakas ngayon at nandirito na

Tunay ngang sa piling mo ako\'y maligaya,
Nagkaroon ng buhay at muling nakadama,
Ng pag-ibig na sabi mo ay puro at wagas,
Ngunit bakit tila ito\'y biglang kumupas

Kay hirap unawain ang lahat ng nangyari,
Pait na nadarama ay di na rin mawari,
Saan ako nagkulang? O hindi pa ba sapat?
Ang pag-ibig na inalay ko sa\'yo ng buong tapat

Pinipilit kong labanan ang aking nadarama,
Subalit kay hirap para sa\'kin ang limutin ka,
Habang buhay iibigin ka at ako pa ri\'y maghihintay,
Dahil tapat sa pangako at pag-ibig na sa yo\'y aking ibinigay.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 16 years ago

    by babyPB

    Aaaaaaawwh. i really love this poem. :]

  • 19 years ago

    by Rachael/7MidniteTears

    im filipino. but i can't understand this poem very much. sry. but i had my mom translate it. and it was beautiful.