Ahh kasiâ?¦kuan

by jose de claro   Jan 16, 2007


Ahh kasiâ?¦kuan
(jose_de_claro)
29novâ??06/3:45pm)

Hindi ko malimot ang araw na iyon.
Alas dos ng hapon sa klase natin noâ??n.
Isang pangyayari ang dooâ??y naganap.
Isang binibini, aking nahagilap.

Sa aking nakita, akoâ??y napahanga.
Pinagmasdan ko syâ??a di nagpahalata.
Oh napakaamo nitong kanyang mukha,
Ang kagandahan nyaâ??y tulad sa diwata.

May kung ano, ang sa akiâ??y umalipin,
Di ko mapigilan ang sa kanyaâ??y tumingin.
Biglang tunog ng orasang nasa akin,
Alas 3 na pala, di ko na pansin.

Ninais ko man na siyaâ??y kilalanin,
Binalawala ko ang aking damdamin.
Pinangunahan man nitong katorpehan,
Di inaasahang akoâ??y inunahan.

Sa pang yayaring â??yon di nakatugon.
Ang dugo ko noâ??n ay tumaas ang presyon.
Kabog sa dibdib ko, pawis sa â??king noo,
Aking naitanong-bakit ba ganito?

Bat ganon na lang ang nadarama ko?
Akoâ??y nag tatanong kung bakit ganito
Ako baâ??y nahihibang, ako baâ??y naloloko?
Tinamaan kaya-palaso ni kupido?

Bakit paligid ko ay biglang nagbago?
Ang dating seryoso, ay napangiti mo.
Malung kot na buhayâ??y nagkaroon ng kulay,
Nagmumula saâ??yo, ang sigla kung taglay.

Pero heto ako, akoâ??y nanlulumo.
Pag-ibig bang itoâ??y di malalaman mo?
Habang panahon bang ililihim sa â??iyo?
Itoâ??ng nadaramang idinudulot mo.

Hindi ko na kaya itong nadarama.
Nais kong sabihing ming minamahal kita.
Itong balak ko ay di ko nga lana kaya.
O pls. maria clara,tulungan mo sana.

Di ko man magawang sabihin sa iyo,
Na minamahal kita, higit sa buhay ko.
Aking hinihiling, sanaâ??y iyong dinggin,
Kinatha kong tula, ay iyong basahin.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments