SANA

by redLatina   Sep 20, 2007


Mali ang ibigin ka pagkat may mahal ka ring iba
ngunit sabi mo ako'y iyong mahal, anong aking magagawa
pigilan man ang damdamin, hindi pa rin kayang gawin
ang iwan ka't limutin ay masakit para saakin

wala man akong karapatan ngunit nais saiyong sabihin
iwan mo na siya upang ako naman ang iyong ibigin
pag siya'y nababanggit, nasasaktan aking damdamin
maaari bang huwag mo na siyang isipin?

mahal ko ako'y narito lamang para saiyo
hindi mo ba ako kayang piliin?
pipiliting gawin lahat upang ako'y ibigin mo
at para ika'y mapasaakin

hindi ko alam kung pano lulugar saiyong puso
sakabila ng damdaming nagmamahal saiyo
ay isang pusong nagdurugo

(when he lied)

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 16 years ago

    by Hermosa

    Suggestion: I think that you should put a translation of it too.