or sign in with e-mail
by lehcar Aug 27, 2008 category : Love, romance / lost love
Hindi ko ginustong ikaw ay mahalin ngunit di napigilan itong damdamin Ikaw lang ang syang laging nasa isipan, Di alam kung bakit di ka malimutan. Batid kong may mahal ka ng iba, Ang masakit dun ay kaibigan ko pa. Ano nga namang panama ko sa kanya? Bukod sa mabait na ay maganda pa. Kaya't heto ako ngayo'y nag-iisa at hindi ko na magawa pang umasa na ako'y iyo ring pakaiibigin at itatago mo sa iyong damdamin. Mahirap man itong gawin para sa 'kin, sarili'y pipiliting ika'y limutin. Ika'y di na muli pang kakausapin, Sa madaling sabi,ika'y titiisin.