or sign in with e-mail
by lehcar Aug 27, 2008 category : Love, romance / lasting love
Galit sa iyo ay aking naramdaman nang nalaman iyong kasinungalingan. Sakit na dulot mo'y kayhirap tanggalin sa aking isipan,puso at damdamin. Nang ikaw ay nawalay sa aking piling, sarili'y pinilit ikaw ay limutin pagkat ika'y ayaw nang alalahanin maging iyong kasinungalingan sa'kin. Kapag naririnig ang iyong pangalan, Ako'y tila isang batang walang muwang, kumikilos na parang walang dinaramdam kahit may tila tinik sa isipan. Ano nga ba ang nararapat kong gawin? Walang iba kundi ika'y patawarin, pagpapakumbaba'y dapat pairalin upang magkaayos bawat isa sa'tin.