Isang Gabing Hindi Makatulog

by Marinell   Sep 1, 2010


Nakaupo, nakatulala
Nag-iisip ng wala
Sa sarili, naaawa
Lumuluha, gusto nang mawala..

Mawala ang sakit
Sa damdaming nakaukit
Pugtong mata'y pinipikit
Nagtatanong kung bakit..

Bakit hindi maglaho
Pag-ibig, hindi maitago
nagtitiis, ayaw sumuko
Umaasa ng buong puso..

Puso ko'y may hinihintay
Kaligayahan nitong buhay
Pagmamahal niyang alay
Di kukupas hanggang sa mamatay..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments