Bakit hindi mo magawang mahalin?
at ibaling sa akin ang iyong pagtingin
Upang malaman mong ako ay nasasaktan
sa pagbabalewala mo sa aking nararamdaman
Hanggang kaibigan na lamang ba talaga
at pag ibig ko sa iyo'y walang halaga
Hindi mo mabigyang pansin
ang aking damdamin
Ikaw ba ay sadyang nagbubulagbulagan
Kayat damdamin ko'y di mo pinahahalagahan
Hindi mo makitang handa kong ibigay sa iyo ang lahat
Kahit pa sa pagtingin mo ako ay salat
Buong buhay ko'y sa iyo iaalay
At ako sa iyo'y handang umalalay
Ngunit hindi mo mabigyan ng pagkakataon
Kahit sana sa kaunting panahon
Mamahalin naman kita ng buong tapat
Upang sa iyo ako'y maging karapat-dapat
Hinding hindi kita sasaktan
Ika'y aking pahahalagahan
Subalit sa tuwing iba ang kasama mo
Binibiyak mo naman ang puso ko
Hindi dapat nagkakaganito
Bakit minahal kita ng totoo
Di sinasadyang ikaw ay minahal
at sa iyo'y nananatiling nagpapakahangal
Bawat hilingin mo ay aking sinusunod
Ngunti ikaw naman ay tila tuod
Manhid ka ba kayat hindi mo alam
Sa damdamin ko'y wala kang pakialam
Na ikaw ay minamahal ko ng labis
Kaya ngayon ako'y nagtitiis
Subalit kahit pa ako ay nasasaktan
sinusunod ko pa rin ang aking nararamdaman
Kahit pa ako ay palaging umiiyak
Pagkat puso ko'y iyong binibiyak
Magkagayon man ika'y iniibig ko ng labis
at pagmamahal mo lang ang aking nais
Sana naman ay iyong mapansin
Ang pinakikita kong damdamin
Hindi alam kung paano papatayin
Ang pag ibig na umuusbong sa akin
Paano ba kita magagawang limutin
Kung ikaw lang ang tangi kong mithiin
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Upang ako ay iyong mahalin
Nakikiusap na buksan ang iyong puso para sa akin
Upang makita mong ikaw lang ang aking iibigin