Sa Puso Ko'y Ikaw

by bluepink0306   Nov 9, 2012


Dumaan ang magdamag na di kita maramdaman
Pakiramdam ko para akong naghintay sa kawalan
Tangi ko na lang magagawa ay isipin ka sa tuwina
At umasang paglipas nitong araw ay darating ka na

Ewan ko ilang araw pa ang kailangan kong hintayin
Kasama ang pangambang marami pang darating
Sana hindi ka bibitaw sa ating mga pangako
Dahil yun ang dahilan kung bakit naging matatag ako

Noon, hindi na ako umasang babalik ka at magmamahal
Kaya labis ana takot sa puso ko na di ka magtatagal
Alam kong mali ang hilingin ka sa Maykapal
Ngunit ang dalangin ng puso ko ay tapat at bukal

Nais kong malaman mo na mahal na mahal kita
Di ko alam kung bakit pa tayo pinagtagpo ng tadhana
Sa kabila ng katotohanang tayo'y di na malaya
Upang ipagsigawan ang damdaming alam nating di tama

Iisa lang ang pangako ng puso ko't isipan
Pagmamahal ko sayo ay tila wala ng hanggan
Kahit anu man ang maging dulo ng ating kwento
Mannatiling nakaukit na ang pangalan mo sa puso ko

Sana ay ganun din ang halaga ko sa buhay mo
Sana ay may puwang din ako sa puso at isip mo
Magiging walang katapusan man itong paghihintay
Mamahalin kita sa bawat minuto ng habambuhay

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 11 years ago

    by Edward Oropeza

    Ang pag-ibig nga namn, minsan parang usok...unti unti ring naglalaho....anyway maganda pa rin talaga....expressing your feelings to someone you dedicate though he might not be aware of the words you are about to say...hmnn, pati ba nmn ako nag katahang isip na rin sa mga poems mo..keep it up

    • 11 years ago

      by bluepink0306

      Wow, thank you sa comments ha. Di ko kasi masabi sa iba feelings ko kasi alam kong mali. Maybe sa paraang ito, nailalabas ko yung nasa puso ko. Ginawa ko to gamit ang pangalan nya. Thank you again and hope to read some of your write-ups too.