Sobrang Mahal Kita

by bluepink0306   Jan 24, 2013


Namimiss na kita, sana alam mo yun
Sa buong magdamag pati sa maghapon
Laman ka ng isip ko sa lahat ng sandali
Pagmamahal ko sayo'y di na mapapawi

Kabaliwan man ang damdaming ito, ayos lang
Kahit anung itawag ng iba, wala akong pakialam
Isa ka sa dahilan kung bakit buo ang buhay ko
Kaya di ako matatakot harapin ang galit ng mundo

Kahit paulit-ulit man akong umiyak at masaktan
Paulit-ulit pa din kitang mamahalin at aalagaan
At kahit alisin mo man ako sa puso at isip mo
Di ako bibitaw at patuloy na magmamahal sayo

Sa buhay na to, kasama ka sa mga pinangarap ko
Hiniling, hinintay at inasahang mamahalin mo
Handa akong umiyak, masaktan at kahit mabigo
Pero pagmamahal ko sayo'y di na maglalaho

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments