Untitled

by redLatina   Sep 25, 2006


Sa tuwing bubuhos ang ulan
naaalala ang ating nakaraan
sa bintana ako'y nakatulala
naiisip ang bigla mong pagkawala

kahit ako'y nasa piling na ng iba
ikaw parin ang mahal ko sinta
wala akong ibang maisip na paraan
upang ika'y tuluyang makalimutan

hindi ko na maipikit
ang aking mga matang luhaan
at yakap ko ng mahigpit
ang aking unan
umaasang ika'y magbabalik pa
at hanggang ngayo'y mahal mo pa

di bale nang makasakit ng iba
basta saakin ay ikaw ang mahalaga
kahit ako'y bigla mong iniwan
alam ko naman na ito'y may dahilan

sa piling ng iba ako'y hindi masaya
at alam kong ganun ka rin sa iba
kahit anong pagtago ko sa sakit
nadarama parin ang pait

sinta,
ako'y hihiga nalamang sa kama
nang sagayon ako'y kumalma
gawa ng masasakit na alaala

sa mga gabing ako'y nag-iisa
giniguinaw at walang makasama
ako kaya'y naaalala mo parin
bimalik ka na saking pling

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments