Sadness :(

by catherine   Jan 14, 2008


Hindi ko inaasahan, na ikaw ay darating

Upang bigyang liwanag ang mata sa dilim

Ngunit pagkatapos hindi pala mapapasakin

Dahil ang puso moâ??y may iba ng umaangkin

Nais ko sanang yakapin mo

Hanggang ang sugat ay maghilom ng husto

Nais ko sanang mahagkan mong muli

Upang baunin sa aking paglayo...

Sa paglipas ng panahon natutong humakbang

Iniisip kong di magiging akin kailanman

Ngunit ilang hakbang pa lamang palayo sa iyo

Sa di maiwasang paglingon bumabalik ang puso

Akala ko darating ang araw malilimot ka

Pero heto ako bigo pa riâ??t nag-iisa

Sa bawat sandali alaala ka

Dinarasal sa paggising kapiling ka na sanaâ?¦

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments