APAT DAPAT

by cahmz   Dec 4, 2011


Di ka man namin nakilala,
di ka man namin nakita,
pero mahal ka namin ng sobra.

Nakakalungkot isipin na di mo man lang nasilayan ang mundo,
Hindi mo man lang nasubukan maglaro kasama ko,
Ano kaya sanang itsura mo?

Babae ka kaya o lalaki ulit?
Mabait ka kaya o makulit?
Sigurado ako na di ka masungit.

Sana'y masaya ka,
kahit di mo kami nakita,
kahit di mo kami nadama.

Sa kinalalagyan mo,
alam kong kita mo,
kami na nangungulila sayo.

Panigurado marami kang kalaro,
mga anghel na kasama mo,
siguro ang cute mo.

Kagabi'y naalala ka ng kuya mo,
na nagmamahal din sayo,
ang sabi'y: ung kapatid ko.

Nakakatuwa't naalala nya,
kahit na nangyari iyon nung sya'y bata pa,
noon pa lamang ay mahal ka na nya.

Sayang nga't di tayo nagkasama- sama,
pero sa puso namin ay nandito ka.
Mahal ka namin kahit noon pa.

We love u BABY VALDEZ, our mom's miscarriage baby. OUR LOVE, OUR YOUNGEST SIBLING, OUR ANGEL

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments