Sanay magbalik

by redLatina   Jun 5, 2006


Ang buwan na laging pinagmamasan
sa hindi maabot na kalangitan
ang tanging libangan
sa gabing tinuri kong oras ng kalungkutan

ang patak sa balikat ko mula sa dahon
ay dumaramay sa kalungkutang dulot ng kahapon
at ang sakit ay tila hindi mabaon ng panahon

pananabik ko sa iyong matatamis na mga labi
ay aking nadarama sa araw at gabi
kahit ang damdamin ko ay minsan nang inapi
ikaw mahal koy nais kong mapasaakin
mula sa kanyay nais kong maangkin
mula sa kanyang mga brasoy nais kong hatakin
oh mahal ko, sanay bumalik ka na sa akin

nov.15.2005....

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments