Paano ko nga ba? (How do I)

by LOnightOJmareVE   Aug 22, 2006


Note: Filipino language used-"Tagalog"... In case you don't understand the whole thing, I'll just fill you in with it's general thought-
"How are you suppose to admit that you still love that someone?" If you want the English translation of it just tell me... I'll post it....

_________________________________

Paano mo nga ba masasabi na mahal mo pa rin ang isang tao?
Paano nga ba sasabihin sa isang tao na mahal mo, na:
"Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nandito."
sabay turo sa dibdib mo.
Eh, samatalang ilang beses na niyang sinabi sa'yo:
"Magkaibigan lang talaga tayo!"

Sa anong paraan ka magpapahiwatig ng tunay na nadarama?
Ni komunikasyon wala kayong dalawa,
Kung meron man, bagay 'tong kanta sa'yo!-
"Ngunit di mo naman pinapansin mga sulat ko..."

Paano mo nga ba maipaparating na siya pa rin ang iniisip mo
kahit nasa malayo?
At kahit anong gawin mo, mahirap amining-
hinding-hindi ka makakahanap ng kapalit nito.

Ano nga ba ang pruweba?
na ang pagmamahal na nadarama
ay di kailanman mawawala?
Paano mo sasabihing... "Babalikan kita..."? (I'll be back for you...)
Kapag dumating ang oras na aalis ka? Anong gagawin mo?

Kailan mo ba ako kakausapin?
Kailan ka ba makikinig?
Ayaw mo bang maniwala?

Ano nga bang pruweba ang hanap mo
upang maipahiwatig ko ang nararamdaman?
Ano bang ebidensiya ang kailangan
at ayaw mo akong paniwalaan?
Sapat na ba ang mga patak ng ilang taon kong luha...
upang maging katibayan?

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments

  • 17 years ago

    by klemm

    Tol ok yan

  • 17 years ago

    by Vic

    Hmm... nice poem.. is it personal, like you really feel for your friend? or is it just a hypothetical poem? some spelling errors, but overall good. ^_^ what song did you quote? i thought it was 'sabihin mo na' but i'm probably mistaken..