Walang kapantay

by misty72   Oct 12, 2007


Di kayang iguhit ng lapis at papel
ang saya sa puso ko
pag kasama ka...

di kayang sukatin
ang mga oras,araw at panahong
pinagsamahan natin

Di mapapantayan
ang kagalakang nadarama
pag nariyan ka.

Bawat ngiti sa labi mo
sumisigla ang puso ko

Sa mga haplos mo
parang dinuduyan ako

sa pag-iingat mo
nalulunod ako

at sa mga tinig mong
nagsasabing mahal mo ako

Sa bawat halik mo
parang nasa langit ako..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments