Hangad ko lang

by misty72   Oct 10, 2007


Nadarama ko na
Ako'y mahal mo na
Iyo mang pagkaila sa lahat
Nararamdaman kita
Ngunit heto ako
Pilit lumalayo
Ayaw kong masaktan ka
Pagkat,minamahal kita

Hindi naman sa,
di ko sa napapansin
Ang iyong pagaalaga,
at iyong paglalambing
Ang iyong mga ngiti pag ako'y masaya
At ang iyong mga iyak
pag di kita napupuna

Minsan saking pag-iisa
Habang nakatingin sa malayo
Nakatitig ka sakin at sa sarili mo'y nangako
Na ako lang at wala na ngang iba
Hindi mo man sabihin yan,
akin namang nadarama
Minsan tayo'y naglalakad ng magkasabay
at biglang humawak ka na lang sa aking kamay
Sabay ka nagtanong ng
"Mahal mo ba ako?"
Sabay bitaw ko sa iyong kamay at ako ay yumuko
Gusto mo mang lumuha at tuluyang umiyak
Kumagat ka na lang sa labi mo at pinigilan ang patak
At nasa isip mo pa din na hindi ka susuko
Na balang araw makukuha mo din ang aking puso

Ang sa aki'y pagaabang
Ang lagi mong ginagawa
Pero sadyang di ko mapawi ang luha sa'yong mukha
Kung alam mo lang sana na sa likod ng mga pagtanggi
May mga salita na sadyang hindi ko lang masabi
Hindi mo man nakikita di mo man napapansin
Ikaw ang dahilan kung ba't sa labi my ngiti pa din

Gusto ko man tanggapin, pero siguro wag na lang
Sa dahilang ang katulad mo ay ayaw ko ng saktan,
Anong dahilan,yan na lang ang lagi mong tanong
Kapag ika'y iniiwasan ko, sayo'y bumubulong
Na baka isang araw malaman mong hindi talga tayo,
at unti unting ang yong pag-asa ay naglalaho
At sa balang araw, iyo ring malalaman
Di kita pwedeng mahalin at dapat kitang iwasan
Maiwan na kita at di na ko magtatagal
Ang maging maligaya ka sa buhay mo ang tangi kong dasal.....

Bigla isang araw di mo inaasahan
Akala mo ako'y wala na't ika'y nilisan
Ika'y biglang bigla at ika'y nagulat
Kasi mula sayong likod bigla akong umakap
Ako sayo'y tumitig habang hawak ang 'yong kamay
Sabay dahan dahan sa dibdib ko'y nilalagay

Tumitibok ang puso ko at iyong ramdam
Habang binubulong sayo, ikaw ang dahilan
Talagang ako ay nagbalik
Para sayo'y umamin
Gusto kong malaman mo na ika'y mahal ko rin
Di kta tinanggap noon kasi may di ka pa alam
Na sa mundo ngang ito malapit na kong magpaalam
Pero bago mangyari yon, gusto kong malaman mo,
na wala na kong ibang minahal kundi ang katulad mo
Aalis na ko mahal pag-ibig ko'y iyong baunin
Kahit na sa kabilang buhay, di kita lilimutin....

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments