Di kita malimot

by misty72   Oct 12, 2007


Sa aking pag-iisa
ay biglang naalala
ang ating nakaraan
bakit ka nilisan ng walang paalam?

marahil ikaw man ay nagtatanong
ano ang dahilan?

Hindi ko manlang nasabi syo
na ako'y nasaktan
sa aking nalaman na
ikaw ay isang salawahan

Anong magagawa ko
kung sya ang tinatangi ng puso mo
masakit man magtitiis nalang...

nagparaya ako
dahil alam ko
sa kanya liligaya ang puso mo

sa paglipas ng panahon
di ka mawala sa ala-ala
Pangalan mo sa puso ko'y nakaukit na.
at patuloy na umaasa
na isang araw masisilayan ka,,

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments