TABI

by hash   Aug 18, 2010


Magulo kong mundo,
iyong pinasaya,
nakaraan kong kaysakit,
nagawa mong aking kalimutan,

Mabanggit palang ang 'yong pangalan,
ako'y biglang napapangiti,
pag nandyan ka sa aking TABI,
saya lang ang aking nararamdaman,

Dumating ka ng di ko inaasahan,
tinatanong kung bakit ikaw?
kung pala,. ikaw ay ikaw,
ikaw na kulang sa buhay ko!..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments