PANAGINIP

by hash   Aug 18, 2010


Nais kong ika'y makita,
pinangarap ko na ika'y makasama,
inakala ko na magiging akin ka,
kahit isa lamang itong panaginip,

sana'y ikaw ang nakatakda,
para ikaw ang tadhana,
nang ang aking inaasam,
maging hindi lamang panaginip,.

mahirap mang intindihin,
hindi man ito maipaliwanag,
isa man itong bangungot na kayganda,
hindi maaaring hindi ito takasan,.

dahil sa ito'y isang panaginip,
kailangan pa din ang gumising,
mahirap ang mabaon,
sa saya ng PANAGINIP,..

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments