Kalungkutan

by hash   Aug 18, 2010


Kayliwanag ng paligid,
kaydilim ng paningin,
di makita ang liwanag,
nababalot ng KALUNGKUTAN,

gustuhin man ang magtago,
wala naman mapagtaguan,
gustuhin man ang tumakbo,
paa'y wala ring patutunguhan,

sabi'y ito'y iyong iiyak,
ngunit sayong puso'y ika'y duwag,
ngiting pagkukunwari,
sa mata'y kita, ang di tunay na saya,

di malaman ang dahilan,
bakit bagay ay nangyayari,
sapagkat bawat dahilan,
may katumbas na KALUNGKUTAN,.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments