Kailan?..

by hash   Aug 18, 2010


Sa mga araw na lumilipas,
aking tinatanong, kung kailan?
kailan darating ang saya?
at kailan babalik ang kaligayahan?

hanggang kailan maghihintay?,
hanggang kailan aasa?,
hanggang kailan may magmamahal?,
hanggang kailan? kailan? at kailan?

ngunit sa bawat araw na dumadaan,
aking naiisip, na ka'y saya ng buhay,
hindi kailangan ang magmadali,
pagka't pag ibig ay darating din,

ngayon aking nadama, saya ng buhay,
at ngayon aking naisip,
sa aki'y, kayraming nagmamahal,
at ang tanong na kailan,
aking kinalimutan,...

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments