ELEMENOPI

by marvsdvinci   May 1, 2012


"ELEMENOPI"
(SABSTI EDITION #1)

Sinabayan ng pag-ulan
ang aking nadaramang kalungkutan...
sadya bang sinasayawan,
ng pighati na sa akin ay dumuduyan...

maririnig ang bawat patak ng luha,
na sa aking pisngi ay nakayakap...
dalamhati sa akin ay humahatak,
damdamain ay kay bigat,lutang,
tila ako ay lango sa alak...

lalakad pasulong at lalakad paurong,
ayaw yata ng kapalaran na tayo ay magkasalubong...
mahal kita!sigaw ng aking puso,
at pilit sa iyo ay ibinubulong...
bakit nga ba sa pag-ibig ko sayo,
ako ay nakakulong?...

parang yung alpabetong pilipino,
"ELEMENOPI"
hindi mo pansin ang PAGIBIG KO,
sakto,ako sa iyo ay palaging "O.P."

-marvsdvinci
02/27/12
0940-1040

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments