sa pag pikit ng mga mata ko,naiisip ko ang pangalan mo,
habang tinititigan ang iyong nagiisang litrato...
isang larawan,may ngiti at magkasama tayo...
ayan na,naririnig ko ulet ang boses mo,parang totoo...
Isang Pelikula na "Mahal kita"ang pamagat...
biglang bumabalik sa akin ang lahat...
kwento ng pag ibig na ako lamang ang sumulat,
kahit ito ay panaginip,sana ay hindi na ako muling dumilat...
naainag ko muli ang iyong mukha...
pinagmamasdan natin ang mga tala...
sa tagpong tayong dalawa ay nakahiga,
sabay tayong sa langit na namamangha...
sa aking panaginip, palaging magkasama tayo...
kasabay ng hangin,dinadama ang bawat haplos mo,
walang makakapigil,magkayakap ikaw at ako,
sa iyo lang umiikot ang aking mundo...
ngunit sa pag tigil ng ihip ng hangin,
kasunod nito,ikaw ay mawawala rin...
ako'y mag-isa,hindi pala kita kapiling...
magdamag kausap lang ang mga dingding...
maglalaho ang lahat lahat...
isang buong gabi nag-iisa at nagpapangap...
panaginip lang...kay saklap...
sa bandang huli,unan lang ang aking kayakap...
tumitigil palagi sa ganitong tagpo...
mag-isa sa higaan at naka-upo...
nanalangin at nakayuko...
"sana siya ay sa akin,sigaw ng aking puso"...
ang panaginip ko na magkasama tayo,
hangang pangarap nalang siguro,
"hindi pwedeng magsama,ikaw at ako..."
Pelikula na dapat ganito ang titulo!...
gusto ko sanang ito ay wakasan,
ang pag ibig ko sa iyo na parang isang kalakohan...
ayaw na kitang isipin kahit na kailan...
ayaw ko ng bangitin ang iyong pangalan...
habang buhay gusto na kitang malimutan..."
ito ang mga kataga na gustong gawin ng aking katawan,
ngunit ayaw makinig ng aking Puso't isipan,
habang sinisigaw ang iyong pangalan...
ganito siguro kapag mahal mo ang pinagalalaban...
siguro ayos na ang ganito,kahit panaginip at pangarap ka na lang...
mahirap,marahil ito lang siguro ang paraan...
ang lahat ng ito ay walang kahihinatnan,
pero..sana mamayang gabi ikaw ulit ay mapanaginipan...
Sa Pelikula na para sa ating dalawa lamang...
Isang istorya ng tunay na pagmamahalan...
Isang kahibangan...na aking pinagbibidahan...
at ang Climax,PALAGI AKO ANG MASASAKTAN....