tinatabunan ko ang
aking problema at
tinatakasan ang
habang buhay na
aking parusa...
habang tumatakbo
aking tinutungo
ang napakakulay na
puno ng buhay na
bagong mundo...
ngunit bakit ganon
habang patungo doon
lalong bumabaon
dina makaahon
sa malalim na balon
sa isang kahon...
ako'y nagpupumiglas
pilit tumatakas
ngunit di makalas
wala na aking lakas
nakatingin sa taas
may baliw na ahas...
anong aking gagawin
di na kayang tiisin
di makahinga wala parin hangin
sa langit nakatingin
diyos ko ako'y silipin
aking panalangin sana'y dingin...
sumuka ng dugo
sa ulo ay pinapalo
laman hangang sa buto
tumatagos sa bungo
pangarap ay bigo
pawis at aking dugo
pinaghalu halo
habang kumukulo...
haplos ng palad mo
hinahanap ko
pag nagkita tayo
sasabihin sayo
naghihirap ako
nagdurusa ako
habang buhay na ito
dahil yata sayo
yakap ng impyerno
halik ng demonyo...
anjan na siya
papalapit na sila
kamay at paa ko,may humihila
mga kamay na galing sa lupa
ako ang pakay nila
di na magawang makatakbo pa...
may sumisigaw.."huli na! huli na!"
silay tumatawa.."akin ka! akin ka!"
ang laki, namumula
nanlilisik ang mata...