Si Aya

by marvsdvinci   May 1, 2012


"SI AYA"

sa panaginip ko nakita si Aya...
sa panaginip doon ko lang siya
nakakasama..
sa panaginip doon lang ako palage
masaya..
sa panaginip,si Aya ang aking pag
asa.....

pinikit ko ang aking mata...
sa tagpong wala na ang pipigil pa..
pero nanalangin muna sa kanya..
na sana sa pag idlip si Aya ang
makita...

binalot ng kadiliman ang paligid..
nag hanap ako kung nasaan siya sa bawat
gilid..
kahit masakit na ang gilagid..
Aya lang ang pangalang binibigkas ng
aking tinig...

inikot ko ang aking mata..
lumakad ang dalawang paa..
pero wala siya,wala talaga...
sa panaginip di ko na siya makita..

bawat lugar akoy sumisigaw..
bawat pwesto akoy humihiyaw...
ang isip koy napapagod at naliligaw..
sa tinig mo Aya,akoy nauuhaw...

sa panaginip ko biglang humangin..
sumikip,ang bigat ng aking damdamin..
sa kanya parin dumadalangin...
aking Aya,magbalik ka na sa akin...

ang tanong ay bakit?
malayo na ang dating magkalapit..
ang pagsasama ay biglang nawaglit..
isang unos sa ating dalawa ay
humagupit....

nasan ka na Aya?
tinatanong bawat tao sa kalsada...
nakita niyo po ang aking sinta??...
may nag sabi,sa iba ikaw ay sumama na...

kumidlat at kumulog,
puso at dibdib ay kumakabog..
ang buwan,bituin at araw ay lumubog ..
papel ng buhay ko ay tuluyan ng
nasunog...

nanghinayang sa segundo na sinayang..
dating tawanan,ay kwento na lamang...
sumpaan nating walang haharang..
mahal kita,bakit ngayon itoy nasayang..

kastilyo ng pag-asa ay wala na at
nagunaw..
mundo natin ay tuluyan ng natunaw...
mga pangarap ay tuluyan nang nalusaw..
bakit sa ilaw,Aya ikaw ay nasilaw....

sa panaginip si Aya ay wala na.,.
sa panaginip kailan man di ko na siya
makikita..
sa panaginip natapos na ang ligaya..
sa panaginip don ko minahal si Aya...

marvsdvinci

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments