Kapag tumula ang emo

by marvsdvinci   May 1, 2012


"Kapag tumula ang emo"

gusto kong mapag-isa...
ako lang,wala akong kasama...
anino ko lamang ang aking nakikita...
ako lang talaga malaya,nagiisa...

gusto kong mapag-isa...
walang kausap,tikom ang bibig...
kahit sumigaw,walang sino man ang makakarinig...
sa akin lang,oo sa akin lamang ang buong daigdig...

gusto kong mapag-isa...
sa loob ng isang kahon,napakatahimik...
walang aksyon,walang dapat ikasabik...
ang pulso ay walang pintig,hindi pumipitik...

gusto kong mapag-isa...
umihip ka hangin,tuyuin mo ang aking luha...
sana ay masanay ng wala ka na...
sa ganitong gawi,hindi na lulubha pa...

gusto kong mapag-isa...
lilinlangin ang sarili,sa dilim magkukubli...
tatakpan ang aking tenga,magpapangap na lang na bingi...
utusan ang isip,maglabas ka ng huwad na ngiti...

gusto kong mapag-isa...
o,ayaw na kitang makita...
gusto kong mapag-isa...
gusto na kitang malimutan sinta...

marvsdvinci

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments