Sa iyong paghimbing

by marvsdvinci   May 1, 2012


"sa iyong paghimbing"
(isang malayang taludturan)

ang pagpikit ng mata
huwag mong pigilan,
paghabol sa hininga
huwag ng labanan...

masdan ang liwanag at
iyong sundan,
tanaw ang isang malaki
at malawak na kaharian...

masikip ang iyong dibdib
at lutang ang isipan,
mabigat ang katawan,
tila manhid at walang nararamdaman...

kung malamig,
heto ang kumot...
sa pagdilim,
huwag kang matakot...

yakap namin ang magsisilbing
iyong kumot at unan...
pahinga ka na,
sa iyong rosas na higaan...

ang araw man ay lulubog,
sa pagsapit ng iyong pagtulog...
sundan at pakingan,
ang mga anghel na nagkakantahan,
tinatawag ang iyong pangalan...

huwag mong isipin,
at huwag mong damdamin...
promise ayos lang naman sa amin,
ang iyong pagpapaalam,
kahit masakit,tatangapin namin
ang tuluyan mong paglisan...

di mo na mararamdaman,
ang sakit ng iyong dibdib...
di mo na maririnig,
ang ingay sa palagid...

di mo na iisipin,
ang pag igib ng tubig..
basta ipangako mo lamang,
yakap mo kami sa iyong mga bisig...

matulog ka lang ng mahimbing,
ikaw ay aming babantayan...
managinip ka lang,
hindi ka namin iiwan....

hindi mo man kami kasama,
sa iyong bagong paglalakbay...
nasa palagid mo naman,
ang mga anghel na sa iyo'y magbabantay...

magkikita din naman tayo,
basta ikaw ay maghintay...
huwag magalala,
ikaw ang aming nagiisang tatay...

lolo,payakap nga,
hindi namin malilimutan ang iyong mukha...
kami ay laging antabayanan,
itayo kami sa pagkakadapa...

sa litrato ko na lamang
makikita ang iyong ngiti...
sa hangin na lamang
ako magbebless at babati...

alaala moy hindi magmamaliw,
kahit ikaw ay malayo...
heto ang isang tula,
na nanggaling sa aking puso...

titingin sa langit
kakaway,sabay saludo...
mamimiss ka naimn,
mahal naming lolo...

-marvsdvinci

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments