Pre-New Year Hatred (part 2 tagalog)

by Vic   Jan 3, 2007


Gusto kong umalis,
Pero Hindi ko kaya.
Hindi ko na matiis,
Gusto kong lumayas.

Itong buhay na'to,
Sana tumigil na.
Nasasaktan lang ako,
Wala man lang kaibigan.

Malakas daw ako,
Lahat kayang gawin.
Pero mahina pala ako;
Ni lang nila mapansin.

Lahat may galit sa akin,
Iniisahan nila ako.
Hindi lang sila umaamin
Kasi ako'y nakakatakot.

Wala akong pakialam,
Kung pamilya ko sila.
Ipapakita ko sa lahat,
Kung gaano ako kasama.

0


Did You Like This Poem?

Latest Comments